Apoy sa Dilim: Ang Tulang Nagniningas
Apoy sa Dilim Akda ni Frankie G. Bisares Sa dilim ng gabi, puso'y naghihintay, Pagmamahal na tila'y nawawala't patuloy na nag-aalay. Ngunit sa bawat paglangoy sa pag-asa, Liwanag ay sumiklab, at nasusulyapan ang tyansa. Ipaglaban ang pag-ibig, ipaglaban at isalaysay, Damdamin ay sagarin, sa pag-asa'y magsanay. Sa landas ng pagmamahal, tadhana'y sumulyap, Tulad ng bituin, pag-asa'y andyan lamang sa alapaap. Kahit kulang ang gabi sa lilim ng buwan, Pag-ibig ay masilayan, sa yakap ay mahagkan. Ipagpatuloy ang laban, sa sumpa ng lagim, Pag-asa'y magningning, hanggang sa paghimlay sa dilim. Kahit sa gitna ng kawalan, puso’y laging naglalakbay Pag-ibig na nag-uudyok, sa lihim ay sumasabay O’ Sinta ako’y handang mag-antay Hanggang sa muli’y ako ay magpapatunay Himig at dalangin ang syang patnubay Sa landas tungo sa apoy ng dilim Kung saan ay mahahanap ang pagmamahal na makulay Ay tatahakin, kahit abutin man ng hindi mabilang na takip-silim